Sunday, February 20, 2011

Jerlyn Fernandez( Ang Simpleng Babae na Puno ng Pangarap)


Ako noong bininyagan



Ilang buwan pa lamang makaraan ang setyembre 5,1994 ng aking kapanganakan, bininyagan ako sa simbahang katoliko ng san Pablo city, Laguna kung saan ako isinilang at lumaki. Nakakatuwang isipin na habang kaarawan ng aking ina ako ay kanyang isinilang sa ganap na ika-3 ng hapon. Isa akong malusog na bata. Isang napakasayang araw para sa akin ina sapagkat nagging doble ang selebrasyon, magkatulad kami ng kapanganakan ng aking ina.

Nagmula ako sa angkan ng mga Pilipino. Pinangalanan akong Jerlyn kung saan ang unang letra ng aking pangalan ay kinuha sa unang letra ng pangalan ng aking ama n Juanito samantalang ang ‘erlyn ay kinuha sa pangalan ng aking inang si Erlinda. Natutuwa ako sa pangalang binigay nila sa akin dahil taglay ko ang kanilina pinagsamang pangalan at taglay ko ang kanilang mga katangian ng aking ipinagmamalaki bilang kanilang anak. Ikilawa ako sa apat na magkakapatid, isa ang lalaki. Panganay si ate Jonalyn, pangatlo si Ferlyn at bonso si John Lloyd

Nang ako ay sanggol pa lamang nakatira kami sa Empaulino Street dito din sa San Pablo at nandoon ang trabaho ng aking ama ang pagmemekaniko. Ang talyer na iyon ay pamana ng aking lola sa aking ama. Ngunit habang tumatagal ay nagkakaroon kami ng magkakapatid na sakit na asthma, marahil na rin nakaharap ang aming tirahan sa kalsada dala narin ng mga usok at amoy ng mga kemikal kaya lumipat kami sa Calihan upang doon manirahan at doon ako nagkaisip, napansin ng aking magulang  ang aking hilig sa pagkanta na ngayon ay aking nagging libangan sa tuwing ako ay nag-iisa at nalulungkot. Pansin din nila ang hilig ko sa pagsusulat. Napansin din nila ang aking hilig sa pagbabasa ng libro na ngayon ay aking pangunahing libangan sa araw-araw .


Ako ng isang taong gulang
Ako noong Kinder
Apat na taong gulang ako nang pumasok ako bilang kinder sa San Gregorio Day Care Center . Aking masasabing hindi nagging masyadong Masaya ang aking nagging karanasan noong ako ay musmos pa lamang. Oo, nakkipaglaro ako sa mga bata ng ibat ibang laro, nagiging Masaya naman ako na natural lamang sa mga bata. Ngunit kadalasan ay nasa bahay lamang ako. Isa akong tahimhk na bata noon. Sa tuwing gabi ay palagi kong hinihintay ang pagdating ng aking papa mula sa trabaho dahil alam kong may dala siyang pasalubong para sa aming magkakapatid. Madalas din kaming lumabas kasama ang bung pamilya na ngadudulot ng kasiyahan sa akin dahil makakalabas na ulit ako na minsan ko lang magawa noong ako ay bata pa. Nagkaroon ako ng karanasan na kailanman ay hindi ko malilimutan, nagdulot ito sa akin ng pagkatakot at pangingilag. Magpiptong taong gulang na ako nang kami ay lumipat ditto sa Schetelig Avenue San Pablo City. Ditto ako nag-aral ng elementary sa Mababang Paaralan ng Dapdapan. Nakatagpo ako ng tunay na mga kaibigan at kalaro sa bago naming tinitirahan ang bahay ng aking lola. Dito nagging makulay at Masaya ang aking buhay. Palagi kaming naglalaro na mga kaibigan kong puro babae kasama namin ang aking mga kpatid. Madalas naming nilalaro ang piko, Chinese garter, langit lupa, beng-sak at kung anu-ano pa. ngunit  pagdating ng hapon ay nadarama na namin ang takot dahil alan naming papagalitan ng kanya kanya naming magulang dahil sa aming mga itsura- madungis at amoy pawi pero Masaya oarin dahil nakapaglaro kami at may bago na naman kaming pagkukuwentuhan kinabukasan. Hindi ako nakikipaglaro sa mga batang taga looban dahil madalas nila akong awayin. Naaalala ko pa noon, inaway ako ng isang bakla na halos kasing edad ko. Umiyak lamang ako noon dahil hindi ako lumalaban. Pinalaki kasi ako ng aking mga magulang na hindi palaaway o mapaghiganti na hanggana ngayon ay dala dala ko ang ugaling iyon. Habang lumilipas ang paqnahon nraramdaman ko na ang pagbabagong nagaganapsa aking sarili. Iba na ang aking hilig, hindi n iyong mga larong pambata ang hilig kong laruin. Hindi narin ako madalas makipaglaro sa mga kaibigan ko. Marahil nagsisimula na akong magdalaga. Taoong 2006 ay nagtapos ako ng elementary. Isang napakasayang araw dahil sa wakas ay natapos ko na rin ang anim na taong pag-aaral.



Ako at ang mga SK
JS 2010
cowgirl
Taong 26 ay pumasok ako sa mataas na paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Pagtungtong ko sa paaralang ito. Magkahalong takot at saya ang aking nararamdaman. Nagtatanong ako sa aking sarili kung matatalino at mababait ba ang mga guro ditto. Makakasundo ko ba ang aking magigina mga kaklse, magkakaroon ba ako ditto ng maraming kaibigan. Habang tumatagal ay nalilibang ako habag nag-aaral sa eskwlahang ito. Mababait at matatalino ang mga goro at nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Ditto ko rin natagpuan ang aking matalik na kaibigan na si Alona na hanggang ngayon ay patuloy parin ang amig pagkakaibigan. Marami na akong karanasang hindi malilimutan, Masaya man o malungkot. Marami kiming napagtagumpayan ng aming seksyon. Unang taon ko pa lamang sa hayskul ay napabilabg na ako sa seksyon A na hanggang nayon ay doon pari ako nabibilang. Habang tumatagal ana panahon. May natutuklasan ako sa aking sarili- ang pagkakaroon ng “crush”. Nagsimula ako noong ako ay nasa ikalawang antas sa hayskul. May isang estudyante na madalas kong patuunan ng pansin habang hindi ako abala sa aking pag-aaral. Nagging magkaibigan kami. Palagi akong masaya tuwing nakikita ko siya. Marami rin akong nakakakilig at nakakatuwang karanasan dahil sa kanya. Ngunit hindi rin ito nagtagal dahil magtatapos na siya noon sa hayskul  dahil ditto hindi na kamim magkikita. Nagging malungkoyt ako noon lalo na nang mawala ang aming komunikasyon at naramdaman kong  nagbago na siya at nag-iba na ang pakikitunga niya sa akin. Nasaktan ako dahil dito. Nagpasya akong kalimutan na lamang siya at ituon ang akin pansin sa aking pag-aaral. Ang taon na ito  sa hayskul ng aking buhay ang hindi ko makakalimutan dahil dito ko naramdaman ang pag tibok ng aking puso sa unang pagkakataon. Noong ako ay nasa ikatlong antas ng hayskul. Ramdam ko ang mabilis na pagbabago sa aking sarili. Kung  dati ay tahimik lamang ako at mahiyain ngunit ngayon ay hindi na, natuto na akong makipagkwentuhan at makipag-ingay sa aking mga kaklase at kaibigan. Kung noon ay tahimik lamang ako habang inaaway, hindi na rin ngayon, dahil natuto na akong ipaglaban ang aking sarili kapag alam kong ako ay nasa katuwiran ngunit kahit kailan ay hindi naging marahas ang aking pamamaraan. Naging masayahin ako at palabiro, makkulit minsan at hanggang ngayon ay wala pa akong nkakaaway dahil hindi rin ako pinalaki ng aking mga magulang na palaaway at bargas. Kasalukuyan akong nasa ikaapat na antas ng hayskul. Dito ko naramdaman ang ganap na pagbabago. Mas marami akong naging kaibigan dahil na rin siguro naging palakaibigan na ako. Napakamemorable ng taong ito sa akin dahil dito ako unang pumasok sa pulitika sa murang edad. Lumaban ako bilang SK Councilor. Noong una ay ayaw ko dahil iniisip ko na baka mapabayaan ko ang aking pag-aaral. Ngunit nagkamali ako dahil mas masaya pala kapag alam mong makakatulong ka. Hindi naging masaya ang pagtakbo ko dahil marami ang humahadlang, may nagtatampo dahil hindi ako sa kanilang partido kumampi. Muntik pang magkaglulo dahil lamang sa aking boto na alam nilang makakapagpanalo sa kanila. Gumawa pa sila ng panlilinlang upang ako ay makuha ngunit hindi sila nagtagumpay dahil ako ay may sariling paninindigan. Nadagdagan ang aking mga karanasan. Hindi man ako napabilang sa SK Councilor dahil ngagkapantay pantay ang boto ng walong nanunguna sa posisyong iyo at kasama ako doon kaya kinailangang magtanggal ng isa at sa kasamaang palad ay ako ang natanggal. Noong una ay nalungkot ako dahil baka hindi ko na muli makasama ang aking mga naggng kaibigan. Ngunit mali ako, binigyan nila ako ng katungkulan bilang SK Secretary-treasurer. Nagging mas malapit pa ako sa kanila dahil pinagbubuklod kami ng mga proyekto na kailangan naming gawin at madalas din kaming lumabas upang mabonding. Sa ngayon ay abalang-abala ako sa aking pag-aaral at pinaghahandaan ko ang aking nalalapit na pagtatapos sa April. Kahit mahirap ang pinagdadaanan ko ngayon dahil sabay sabay ang mga Gawain sa paaralan at kasabay pa nito ang kakapusan naming ngayon sa pera ngunit sa kabila nito ay hindi ako sumusuko dahil alam kong kayak o itong lagpasan sa tulong ng Panginoon. Isa na naman itong pagtatapos ng isa pang kabanata ng aking buhay at magsismula na ulit ang panibago. Patulo akong nag-aaral ng mabuti upang matupad ko ang aking mga pangarap at ang pangarap kong maging isang guro. Ginagawa ko ito hindi lamang para sa aking sarli kundi para sa aking pamilya at magulang na sa simula pa lamang nang ako ay ipanganak ay naghirap na sa  pagpapalaki sa akin at lahat ng kanilang ginawa ay hindi ko kailanman matutumbasan. Nagpapasalamat ako dahil paniaalaki ako na mayo ng aking mga magulang. Punong puno ng pag-aaruga at  pagmamahal ang aking buhay dahil sa kanila. Nagpapasalamat din ako sa mga pagbabagong naganap sa akin dahil doto natoto akong lumaban sa buhay at nagbibigay ito ng lakas ng loob sa akin upang makamit ang lahat ng aking mga pangarap.

Saturday, February 19, 2011

"Ang babaeng palaging masaya nakakikitaan ng pag-asa" (Michelle M. Linatoc)

Ika pito at apatnapu’t lima ng gabi ng ako’y  ipinanganak  sa City Hospital. Ika nga nila ang gabing ipinanganak  matapang sa dilim. Diyan kayo nagkakamali dahil isa ako sa duwag sa dilim. Pero ipinanganak na ang batang bibingi sa inyong mga tainga dahil sa kanyang kaingayan. Masayahain, maingay at mataray yan ang pangunahin kong ugali. Madali akong mapatawa lalo na sa mga kalokohan na aking nakikita. Pero….pero pag ako ay seryoso wag mo akong lolokohin at diyan mo matitikman ang taray ko. Magaling magpatawa at tumatawa nga ba? O halakhak na parang walang bukas. Madaling  patawarin at galitin ako sabi nga nila lagi daw akong highblood.
 Kakapanganak ko  palang.
Ako ng 2 buwan pa lang ako.
Ako nga po pala si Michelle Murphy Linatoc. Ipinanganak noong ika-pito ng oktubre sa San Ignacio S.P.C. Nang ipinanganak ako ay tumira kami kalapit ng bahay ng lola ko ,sakitin ako noon nagsimula  ito nong isa at kalahating buwan hanggang isa at kalahating taon palang ako kaya labas pasok ako sa ospital dahil sa bronchitis, diarrhea at marami pang iba. Pinabinyagan ako noong siyam na buwan ako saktong pista noon.Hulyo ng katapusan sa Aglipayan. Panganay akong anak nina Rhodora at Leonides. Noong kaarawan ko ng isang taon ay pinaghanda ako at dinaluhan naman ng aming mga kamag-anak. Mahina daw ang katawan ko dahil hindi ako masyadong kumakain ayaw ko din daw dumede sa bote. Kaya laking gatas ako ng ina ko. Habang lumalaki naman ako ay din na ako naging sakitin. Lumipat kami ng bahay  doon ko na kilala ang mga kalaro na pinsan ko rin pala. Ibinili ako noon ng bisikleta noong apat na taon na ako.
   Nakikipagkarera ako noon sa pinsan kong lalaki. Minsan pa nga ay pumupunta kami sa labasan para makipagbike ako sa isa ko pang pinsan. At ng mag-apat na kalahating taon na ako ay nagdaycare ako sa  OSWD na ngayon ay Library Hub na. Noong una ay ayokong magpaiwan pero nasanay na rin ako pinapaalis ko nga noon si Mame dahil ayokong makita niya ako. Tamad at tulugin daw ako noon kaya pagwalang pasok ay tinuturuan ako ni Dade at lagi daw akong paiyak dahil gusto ko ng maglaro. Kaya minsan ay naghanda na ng pamalo si Dade para mapilitan akong mag-aral. Mainitin din kasi ang ulo ni Dade kaya laging nababarino yun sa akin kapag mali-mali ang basa ko at liko-liko ang sulat ko. Ang palagi kong recess noon ay Piatos at Zesto, kundi naman ay yum-yum kaya naging paborito ko ito. Lagi akong napapagalitan pag-umaga dahil ayokong gumising. Napagkukurot nga ako pag pinapaliliguan dahil naiyak ako, dahil ayokong pumasok. Pero sa kabila ng katamaran ay nakapagtapos din ako. Nung Mayo ay meroon sa paaralan ng San Ignacio na summer para sa mga papasok na sa unang baitang. Noong unang pasok ko ay puro kanta ang ginagawa puro watermelon watermelon papaya at iba pa kaya din a ako pinapasok kaya natuwa ako noon di ko na kailangan pang gumising ng maaga. Dito na ako nagsimulang maglalaro ng maglalaro. Iba’t ibang laro paltok-bola, sipabola, luto-lutuan, bahay-bahayan at marami pang iba. Ito ang naging libangan ko habang di pa ako pumapasok. May mga araw na bawal akong maglaro dahil walang tao sa bahay. Pero talagang makulit ako pilit parin akong umalis para maglaro. Kaya’t ng makita ko na parating na si Dade bilis-bilis ako sa pag-uwi. Ngunit alam pala niya na umalis ako kaya ako ay napagalitan ng muntikan pang mapalo. Kaya noon din na ako umaalis ng bahay kumanta nalang at sumayaw ako sa amin. Kantang masakit at nakakatawa sa pandinig dahil wala na nga sa tono mali-mali pa ang bawat lyrics na aking kinakanta. At  pinilit sumayaw kahit ang tigas-tigas ng katawan. Di ba nakakatawa? Ako ang batang hindi pala gala kung saan-saan. Kaya palagi lang ako nasa amin. Nang nagpapaenrol ako sa unang baitang di ako tinanggap dahil kulang daw ako sa taon dahil anim at kalahati lang na gulang ako noon. Sabi sa akin ay mag kinder daw ako ulit din a ako pinapasok noon kasi uulit nanaman  daw ako. Ang isang taon ko ay ginugol ko nalang sa pag lalaro. Larong iba’t-iba na nakakapagod at nakakaamoy-araw.
Ako at ang kapatid ko na buhat-buhat ko.
Isang araw naglaro kami ng badminton at plastik yung ibabaw nung raketa at sa akin pa inabaot pa ng sira ang raketa. Takot na takot ako noon dahil mataray ang kanyang ina simula noon hindi ako lumalabas ng bahay di ko naman masabi kina Mame at Dade dahil papagalitan ako. Hindi ko alam na kinausap pala ng ina ng kalaro ko si Mame at pinapapaltan nalang ng manika yung raketa na aking nasira napagalitan tuloy ako ng kunti noon. Di kaya noon lumalabas na ulit ako at naglaro naman ng duyan-duyanan bilangan ng duyan hanggang sampu. Ang huling duyan ang pinakamalakas noong ako na ang duduyan ay naputol ang tali at ako’y nalaglag buti nalang di ako nabalian. Nang pwede na akong pumasok sa unang baitang ay mabait ang naging guro namin sa kanya talaga ako natuto magbasa. Napakagaling at mabait siya hindi kami natuto sa kanya dahil sinisigawan o minumura niya kami talagang mapagmahal siya sa kanyang mga estudyante naging masaya ako sa pag-aaral ko noon. Sana nga ay may sabit ako na ikatlong karangalan pero lagi akong liban kaya wala akong sabit nagbakasyon ako sa lola ko doon marami akong nakalaro na halos napakadungis ko na parang batang lansangan. Pinapagalitan ako ng tita ko ang laki-laki ko na daw di ko daw kayang linisan ang sarili ko. Meron ang lola kong tindahan noon kaya kumuha ako ng “Milo” nagtago ako sa likod ng bahay at duon ko kinain. Tanghalian na noon kaya tinawag ako ng tita ninang ko para kumain. Dali-dali naman ako pumunta at nakita niya ang nagkalat na “Milo” sa mukha at damit ko sabi niya “kumain ka ng Milo ano? ”.  Napangisi lang ako noon. At sabi ng lola ko ikaw talaga kababeng tao ay napaka kulit at tinawanan nila ako noon. Nang nasa ikalawa na akong baitang nag karron na ako ng matalik na kaibigan tatlom kami noon puro babae. Kaya tuwing tanghali at mag kakasabay kaming kumain ng tanghalian. Dahil umuuwi ang isa sa amin sumasama nalang kami para sabay-sabay parin kami. Malapit sila sa poultry at ang tatay niya ang namamahala duon kaya lagi ang ulam naming ay “fried chicken”. At pagkatapos namin ay namimitas kami ng dalanghita. Kaya pagbalik naming sa paaralan ay naghihingian ang mga kaklase namin. Lagi kaming magkakasama sa paaralan noong nagkaroon nga ng “Intrams” naging lider kaming tatlo ng sayaw. At nang niyaya kami n g isa kong kaibigan sa kanila dahil kaarawan ng kanyang kapatid ay sumama kami. Ang daming handa at pinag-uwi pa nga kami noon ng spaghetti at yun yung una akong ginabi ng pag-uuwi at hinahanap nap ala ako nun. Buti nalang di ako napagalitan. Pero panandalian lang pala ang kasiyahan naming dahil lumipat ng ibang paaralan ang isa sa amin pero nangako kami na magkikita parin kami. Nagsimula kami ng mag kalayo ng loob ng isa ko pang kaibigan dahil nagkaroon na siya ng kanyang bagong kaibigan nawalan na kami komunikasyon sa isa’t-isa. Nagkaroon ako ng bagong kaibigan at naging malapit kami sa mga lalaki. Kapag pista sa Sto. Nino mag kakasama kami pumunta sa bahay-bahay nila napakasaya noon kahit dalawa lang kaming babae at puro lalaki ang kasama namin. Nang makapagtapos ako ng elementarya ay makakamit ako ng karangalan.
Ako ng gumaraduate ng kinder.
 At napagpasiyahan na nasa Dizon High ako pumasok. Dito na nagsimula  ang tawag na “ate mich” kahit mas matanda sila sa akin ng buwan okay lang basta masaya kami nagkakaintindihan. Mababaet naman ang mga kaklase ko. Mababet nga ba? O makulit lang na parang mga bata? Noong nasa unang taon palang ako ng high school nagkaroon nanaman ako ng bagong kaibigan mabaet at matalino kaso ngalang maarte sobrang arte pala. Madami kaming pinagsamahan kasiyahan at kaguluhan. Napakagaslaw kasi namin kaya madaming nagagalit sa amin magaling din kaming mang-asar. Pero kahit na ganun naging masaya ako. Mahirap ang mga ginagawa naming noon pero nakakapag-saya parin kami kahit ganun. Lahat ng galaan na pwede naming puntahan pinupuntahan namin para naman makapagsaya naman kami. Wala kaming panahon na sinasayang lagi nalang kaming mag kasama. Noong dalawa lang kami pero naging apat kami at nabuo kami bilang “Dabarkadz”. Bidang-bida kami sa room namin. At may nangyaring malaking gulo napaaway kami sa kaklase ko na hindi ko maintindihan basta nalang siya nagalit ng walang kaming kamalay-malay. At nung nasa ika-dalaw na kami ng high school ay patuloy parin ang mga kalokohan namin. Pero sa kabila noon araw-araw kaming nasimba lalo pag malapit na ang test todo dasal kami noon. Noong nagpapraktis kami ng Florante at Laura ay gusto na naming umuwi at nang nagkaroon kami ng pagkakataon para makatakas ay umuwi na kami. Pagpasok naman naming kinabukasan ay galit nag alit sa amin ang mga kaklase namin at pinaparinggan kami ng walang pakisama at ayaw din daw nilang magpraktis pede naman daw umuwi nalang katulad namin. Ngunit di nila alam na di naman kaagad kami umuwi naghanap kami ng costume para sa susuotin namin. Pero di sila naniwala kaya di nalang naming sila pinansin. Nagkaroon kami noon ng christmas party madami-dami rin kaming handa noon dahil nag ipon kami ng piso araw-araw. Dahil mabait an gaming guro nagkaroon kami ng raffle na limang isang daang piso at sinuwerte ako noon at ako ay nabunot. Matagal bago ko ginastos yun dahil gusto ko sanang itago para alaala yun sa akin ng aming guro. Nang mag bakasyon kami dahil mag papasko ay ako ay na ospital ng makapasok palang ako ng dalawng araw dahil may “Typhoid fever” at “Dengue” na stage one palang. Doon na ako nag pista ng bayan na pinalano pa na namin manood kami ng mardigras. Pero nung araw ng mardigras ay dinalaw nila ako. Noong mga panahon na iyonay may mga dumating na koreano at keoreana. Buti nalang ay naabutan ko sila kahit dalawng araw nalang madami kaming ginawa noon natinuro nila sa amin. Noong nasa-ikatlo na ako ng high school ay nagkaroon ako ng bagong kaibigan at nakilala ang grupo namin na “Blue Phanters” apat kaming babae noon ako, si reginae, Claire at cielo . masaya kami noon magkakasama kaming ng bumuo ng pangarap. Kung anu ang gusto namin at kung anung bansa ang gusto naming puntahan. Sa recess lagi kaming magkakasama pare-parehas ang kinakain namin. Madalas pa nga pinagong nabagong luto ang binibili namin sa “Golden Wheat” at palamig an gaming pantulak. Kami ang mag kakaibigang praktikal gustong kumain ng mga pagkaing nakakabusog at magaan pa sa bulsa. Marami din ang panahon na halos ayaw nalang ang lagi naming kinasasangkutan dahil daw sa amin.
Ako ng malaki na ako ngayong kasalukuyan.
 Ngayong nasa-ikaapat na ako ng high school naging masaya ako mahirap man ang mga ginagawa naming dahil graduating kami. Nasa huling taon na nga kami ng high school ay parang mga isip bata pa rin kami. Dahil puro biro at asaran ang mga ginagawa. Minsan maging seryoso daw naman kami  kaya nga kami napapagalitan ng mga titser namin.



Mabait ang guro naming isa siyang taong maunawain at mapagpahalaga kahit sa pinakamaliit  na bagay minsan-minsan lang kami napapagalitan dahil sobrang na ang aming kaingayan. Pero kahit naman kami maiingay may malasakit naman kami sa isa’t-isa. Hindi man kami nagkakaisa pag may laban dahil puro kami pasaway ay marami parin kaming napapalanunan. Katulad ng nag simula ang “Cheerdance Competition” kahit nagkakagulo kami sa pag papraktis dahil ang marami sa amin ay gusto laging pauwi ay nanalo parin kami nakamit naming ang unang karangalan at halos sa lahat ng palaro napangbabae ay nanalo kami dahil sa cooperation. Marami pa kaming pinalunan. At nagkaroon ng kami ng “Js Prom” naging masaya ako noon ng masaya at ngayon hinihintay nalang naming an gaming pagtatapos. Sa pag lisan ko sa paaralang Dizon high ay ako’y taos noon na sabihin na ako’o “Dizonian”. Aalis ako ng paaralan at itutuloy ang aking pangarap na may matamis na ngiti sa aking mga labi.                   

Talambuhay ni NICKDHEL PAULO G. ARO
Ang litratong ito ay noong ako ay 1 taon pa lang.
Taong 1995 noon (Year of the Pig).Ika 17 ng Setyembre, may isang batang babaeng nag ngangalang Erlie (Guanzon) Aro ang mag luluwalng isang batang lalaki. Ito ang pangalawang anak nila ni Abner (Concordia) Aro. Maganda noon ang panahon sa NHA Sto. Angel San Pablo City kaya naman maganda rin ang kinalabasan ng batang iyon. Pinangalanan nila ito ng NICKDHEL PAULO G. ARO. At ipinanganak na nga ang taong magbabalanse at mag bibigay ng kapayapaan sa mundo. Dito na nga nag simula ang pakikisalamuha ko sa aking kapwa, ditto na mag-uumpisa ang buhay kong makulay
at walang kalumbay-lumbay.

Tatlo kaming mag kakapatid at ako ang pangalawa.Dalawa kaming lalaki at isang babae. Ang babae ay nag ngangalang Paula Bianca G. Aro, siya ang panganay. Ang bunso kong kapatid ay nag ngangalang Patrick Miguel G. Aro.Noong bata pa ako, sabi ng nanay ko sakin daw sita pinaka nahirapan kasi napaka iyakin ko daw noon, napaka kulit ko raw pati. Nung isang araw na nag laro kami ng kapatid ko ng wrestling, hindi ko makakalimutan yung pumutok yung ulo ko dahil hindi ko alam na dingding nap ala yung nasa likod ko kaya ayon nauntog ako.
Birthday ko nitong araw na ito kaya ako naka pula.

 Pinag aral ako ng aking mga magulang noong elementary sa San Diego Elementary School, hanggang grade 1-2 lang ako doon. Noong grade 2 ako,may isang pangyayari na nag lalaro kami ng mga kaklase ko ng Pogs at text,hindi nag kabayaran ng pusta kaya binato nung kaklase ko yung kalaro niya at nag suntukan na nga at nung natumba yung isa,dinambahan ko ito at nung tatayo nay un ay nag tatakbo na ako sa room namin.
Nag aral ako sa San Pablo Central School noong Grade 3 ako hanggang mag grade 6.Noong una ay naninibago pa ako dahil wala pa akong kilala at wala akong kabarkada, ngunit kinalaunan ay nasanay rin ako.Nagkaroon din ako ng kaibigan at sila na ang nagging kalaro ko tuwing walang klase.Tuwing tanghali pag-katapos kumain ay nag lalaro kami ng sikyo, kainitan noon nang araw at santing ang init pero bale wala sa amin yon makapag laro lang,kahit madapa kapag nag hahabulan ay natitiis ko basta makapaglaro lang talaga.
Itong litratong ito ay noong ako ay grumaduate ng kinder.
Noong grade 5 ako,nahiligan ko na ang paglalaro ng Basketbol dahil sa mga pinsan ko kaya madals ay nasa court ako n gaming barangay.Hindi pa ako masyadong seryoso sa pag-aaral noon pero gumagawa ako ng mga assignment naming kasi pinapagalitan ako ng nanay ko kapag ako ay hindi nakikitang nag babasa o nag aaral. Kaya pag wala ang nanay ko ay tuwang tuwa ako kasi larong laro ako sa labas ng bahay namin.
Nang ako ay mag grade 6,masasabi ko na ito ang pinaka masayang lebel ng elementary dahil na rin sa mga nagging karanasan ko ditto.Isa na ditto ang pag kukulitan naming ng mga kabarkada ko, lagi kaming mag kakatabi sa room, napakaingay lagi naming at ito ang nagiging dahilan para pagsulatin kami n gaming teacher ng  –HINDI NA PO ULIT KAMI MAG IINGAY- sa limang pirasong papel. Pero kinalaunan ay hindi rin ito natanim sa utak ko dahil lagi parin kaming nag iingay. At nang lumipas ang araw,dumating na ang oras na kailangan na naming mag hiwahiwalay dahil graduation na subalit alam kong hindi pa ito ang katapusan ng pag-kakaibigan namin.
Nang mag bakasyon na ay nag karoon ng liga sa amin ng Basketball. Nagbuo kami ng team ng aking mga kaibigan at iwo ang unang beses na sumali ako sa liga, kaya nung una ay kinakabahan pa ako dahil sa dami ng nanonood, pero nasanay na rin ako.Sa kabutihang palad ay kami ang nag champion (walang halong biro).
Nag-aral ako ng Highschool sa Colonel Lauro D. Dizon Memorial National Highschool (CLDDMNHS).Nagkaroon na agad ako nang kabarkada noong 1st year ako. Noong unang buwan ng pasukan ay masipag pa ako sa pag-aaral at pag gawa ng mga assignment. Ngunit kinalaunan ay natutunan ko nang mangopya at unit-unting nawala ang kasipagan kong gumawa ng assignment. Nasanay ako na tuwing awasan ay nagtatatakbo kami para mauna sa computer shop. At hindi nag-tagal ay naadik na ako sa paglalaro ng computer.Noong matapos ang taon ay nagkahiwa-hiwalay kami ng mga kabarkada ko dahil ang iba ay lumipat ng paaralan.
Ito ay nung umattend ako ng PROM.
Nang mag bakasyon ay sumali parin ako sa liga sa amin,at nung isang laban naming ay hindi ko malilimutan yung tumama sa muka ko yung bola dahil hindi ko nasalo yung pasa sakin nung kasapi ko,anlakas nung pasa sakin at patse sa muka ko yung bola, pinag tawanan pa ako nung mga kasapi ko at sabi ko nalang ay –ARAY- .
Nang ako ay mag 2nd year ay may nabuo na naman akong at lagi kaming nag lalaro ng Sipa.Hindi ako masyadong naging seryoso sa pag-aaral at dahil mas inuuna ko ang pag cocomputer at naging sanhi ng pagkakaroon ko ng 78 at 79 sa aking card.Nang ipakita ko ito sa aking mga magulang ay galit nag alit sila sa akin dahil inuuna ko daw ang cocomputer at hindi iniintindi ang pag-aaral.Pero natanggap din nila ito dahil wala naman silang magagawa.
Nang mag 3rd year na ako ay napahiwalay sa akina ng dalawa ko pang kabarkada dahil bumaba sila ng seksyon, dalawa nalang kaming natira sa aming barkadahan. Ang taong ito ang taon kung saan natuto akong mag-inom, dahil ito sa mga pinsan ko. Ngunit hindi ko pinag-aralan ang manigarilyo dahil , -CIGARETTE SMOKING IS DANGEROUS TO MY HEALTH-. Dito ko rin natutunan ang MANLIGAW. Inaamin ko, TORPE ako sa mga babae at mahina akong dumiskarte sa babae noon pero unti-unti ko rin itong natutunan dahil sa mga payo ng aking mga kaibigan . Dito ako unang umattend ng PROM. Ang taong ding ito ang taon na binawas-bawasan ko ang pag cocomputer ko, siguro sakropisyo ko na rin ito dahil may nobya na ako. At pag ako ay mag diriwang ng aking kaarawan ay may kasama na itong inuman ngunit hindi ito alam ng aking mga magulang. Dahil dati kapag kaarawan ko, una naming gagawain ang pagsimba at may konting salo-salo pag-wui namin.
Class picture namin nung 3rd year.
At 4th year na nga, last year ko na sa highschool. Dito ko nalaman kung ano ba talaga ako ditto sa mundong ito.Dito namulat ang isip ko sa mga bagay-bagay na umiikot sa mundong ito. At tungkol naman sa pag-aaral, talamak ang kopyahan sa aming room ang kailangan mo lang ay iwasan ang mahuli dahil pag nahuli ka ay –PATAY- . Hindi ko natutunan ang mag cutting classes dahil alam ko na mas maganda na ang pumasok kahit hindi making sa tinuturo ng teacher dahil may Grade naman ang Attendance. Kapag may pyestahan ay sama-sama kaming pumupunta ng aking mga tropa at dumadayo kami ng pag lalaro ng Basketball kahit kadalasan ay talo kami. Hindi ko ito makakalimutan dahil sa bawat araw na pag pasok ko ay hindi mawawala ang pag halakhak naming at pag kukulitan kapag bakanteng oras.
At ito na nga, malapit na ang Graduation at kailangan ko nang harapin ang buhay ng College. Kailangan ko nang mag seryoso dahil ito ang magiging susi sa aking magandang kinabukasan. Sana nagustuhan ninyo ang pag babasa ng aking talambuhay kahit hindi ko nailagay lahat.
SALAMAT :)

Friday, February 18, 2011

Talambuhay ni MARYANNE ALCANTARA

Ang cute ko noh :)

 Ako si Mary Anne  Alcantara, 16 gulang, nakatira sa Dagatan boulevard San Pablo City.
Ganap na alas nuebe nang gabi sa Sampaloc lake,Dagatan B.L.V.D , ika-2 ng Setyembre 1994. Noong isinilang ako ng aking Ina at halos hindi na raw kelangan pang pilitin ang kanyang sarili upang ako ay ilabas sa kanyang sinapupunan. Dahil kusa daw akong lumabas nang hindi sya nahihirapan.Pang apat ako na isinilang ng aking ina. Sa tulong ng aking ama at mga kapatid ay pinalaki ako ng aking ina nang may pagmamahal. At dumating ang araw na pininabinyag nila ako sa ngalan ng Diyos. Para gabayan ako ng panginoong sa aking paglaki.


noong grade 1 ako
Lumaki ako sa pangangalaga ng aking mga magulang at kapatid. Nagkaroon din ako ng mga kaibigan na nagging kalaro ko sa aming bahay. Lagi ko silang kasama sa tuwing kami ay maglalaro ng bahay-bahayan, “jackstone”, Chinese garter, patintero at iba pa. dahil nga na nasa tama na akong edad upang makapasok sa eskwelahan. Pinapasok nila ako sa unang baiting ng ako ay anim na taon pa lamang sa San Pablo Central School. Ngunit hindi pumayag  ang aking guro na pumasok ako sa unang baiting dahil sa murang edad ko daw.Kaya ginawa niya akong “salimpusa” doon. At hindi ito nagging madali para sa akin, dahil sinasaktan ako ng mga kaeswela ko. Lagi nila akong kinukurot at niloloko. Pero nalagpasan ko ang lahat ng pang- aaping iyon. Nagsikap akong mag-aral nang mabuti dahil sa mga pangaral ng aking magulang. Dahil ditto nakapagtapos ako ng pag aaral sa elementary at ito ay ikinatuwa ng aking mga magulang.

Noong bata pa ako ay palagi kaming kumakain sa labas ng aking pamilya. Lagi nila kaming binibilhan ng mga laruan  na lubos naming kinatuwa. Nagkataon naman  na pinagbenta ng aking ate ang mga laruan na binibili sa amin para magkaroon sya nang pera. Isang araw ay nadoon kami ng ng aking ina at bunsong kapatid na babae sa aming kapit bahay. Naglalaro kami ni Sol at pinaltok niya ako ng laruang sasakyan sa aking ngipin. Dahil ditto nabungi ako at lagi na akong binibiro sa amin ng “BEBANG”, kasi bungi daw ako.

Kami nang pinsan ko
Nagdaan ang ibang buwan at dumating na ang araw ng pagpasok ko saa sekondarya. Marami akong nakasalamuhang iba’t ibang tao doon sa aking paaralan Col. Lauro D. Dizon Memorial National School. Nag-uumpisa na ang aking pagdadalaga at maraming nagbago sa akin. Noong elementarya ang mga suot ko ng medyas ay iba’t ibang kulay, hindi maayos ang aking buhok at hindi rin ako maayos sa aking sarili. Ngunit ngayong nagdadalaga na ako pinipilit kong maging maayos sa pananamit,pananalita,pag iisip at pagkilos. Syempre dahil meron na din akong nagugustuhan o marami na akong nagiging crush sa school.Masaya para sa akin ang “highschool life” ksi maraming activities ang ginagawa naming.Nagkaroon din ako ng mga kaibigan at kaasaran. Tinatawag nila akong Mhean,Mary anne at Alcantara. Noong 2nd yr high school naman ako lagi akong sinasabihan ng mga kaklase kong mataray daw ako at KJ kasi hindi ako nakikisama sa kanila pero kahit papaano nagging close din ako sa kanila kahit konti. Noong 3rd yr namna ako nagkaroon kami ng J.S prom at sumali ako doon. Ang saya nang gabing iyon para sa akin kasi kasamako ang mga kaibigan ko. At ngayong ako’y 4th yr highschool na at graduating, syempre na kakaexcited dahil makakapagtapos na ako ng pag-aaral sa sekondarya.

Ngayong 4th yr ako hindi ko malilimutan ang mga pangyayari na naganap. Gaya na lang nung lumaban  kami ng cheerdance hindi naming akalain na kami ang nagging 1st place ,Kasi hindi kami gaanong nakapagpraktis. Ang saya-saya nga araw na iyon. Pagkatapos noon nagkaroon naman kami ng miniolympics. At muli marami kaming natanggap na parangal ditto na lubos naman naming ikinatuwa . pagkatapos noon ay nagkaron kami ng “Christmas Vacation” Sampung araw bago sumapit ang pasko ay lagi kaming nagsisimba tuwing 3 ng medaling araw kasama ko lagi si nanay.  Pagkatapos naming magsimba ay dumadaretso  ako sa tindahan ng aking ate sa lake. Nagtitinda sya ng mga ihaw-ihaw.Minsan ako lang mag-isa doon at may katapat kaming tindahan yung “organic market” meron akong nagging crush doon, kasi minsan bumili sya sa akin ng softdrinks tapos nakaupo ako noon  ng biglang natumba yung upuan nagulat ako. At napatawa sya dahil don,hiyang hiya nga ako noon. Tapos ilang araw lagi na nya akong tinatawanan yan tuloy nagging crush ko na sya. Kaso nga lang hindi ko ito sinasabi sa nanay ko dahil pagagalitan niya ako, kasi bawal pa daw akong magboyfriend, at kapag sinabi ko sa kanila na may nagugustuhan na akong lalaki, ay hindi na nila ako papuntahin sa tindahan kaya hindi ko nalng sinasabi o kinukwento sa kanila. Magkaganon pa man mahal ko pa rin ang magulang ko, minsan-minsan nagkukwento din ako sa kanila kung ano ba yong nangyari sa eskwelahan ko. Dumating ang araw ng kapaskuhan pero hindi ako Masaya kasi hindi kami kumpletong magkakapamilya, kasi yung ate ko may pamilya na silang kanila. Kahit  noong bagong taon  hindi rin ako Masaya , dahil nga hindi na kami kumpleto. Paminsan minsan bumibisita sa amin yung isa kong ate at yung isa naman madalas sa amin kasi may negosyo siya malapit sa amin. Tapos na ang mahaba kong bakasyon at balik eskwelahan na naman ako at nalalapit na ang napipinto kung pagtatapos.
Masaya ako dahil nakasama ko ang 2-ablaze na masayahin at maingay. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng alaala ko sa 4-a. Kahit na minsan naiinis ako sa ilan sa kanila kasi maraming mang aasar, at tsismosa sa kaklase ko. Pero kahit ganon pa man mahal ko ang mga kaeskwela ko at lalong- lalo na ang gumagabay sa amin na si Gng. Audije, Hindi ko sila makakalimutan. At nalalpit na ang pagpasok ko sa kolehiyo at medyo kinakabahan ako. Pero kailangan kong magsikap upang maabot ko ang pangarap at upang matulungan ko ang aking pamilya.
Wakas …….

Talambuhay ni DAISY ALCANTARA

Ako ay bininyagan kasama ko si Mama at ang Ninong at Ninang ko

   Ang buhay ng tao ay sadyang masalimuot kadalasan ito ang nakapagbibigay sa atin ng tagumpay at kasawian.Dito sa bansang pilipinas ako lumaki.Natutong makisama sa ibang kapwa at makihalubilo sa iba't ibang tao.Masasabi ko na ang buhay ng isang pilipino ay mahirap ngunit sa kabila nito ay makadarama ka ng kaligayahang walang kapantay.Ang sabi ng iba ang buhay ay parang isang gulong minsan nasa ibabaw at kung minsan ay nasa ilalim at ito ay akin ding pinaniniwalaan.Marami ang nakapagpatunay ng katagang aking nabanggit at isa na rito ay ang mga tanyag na tao na mula sa hirap ng buhay at ngayon ay kilala na at nirerespeto dahil sa  .kanilang estado sa buhay.                                                                    
Ako kasama ko si Papa , Ate at Ricky Boy



 Ako ay si DAISY ALCANTARA.Ipinanganak noong ika-29 ng Agosto taong 1994 at ito ang araw ng una kong masilayan ang kagandahan ng ating mundo ako ay kasalukuyang nakatira sa lungsod ng San pablo.Ang aking mga magulang ay sina DELIA MARJALINO at RICKY ALCANTARA.Ako ay may mga kapatid at sila ay sina DIANA,RICKY AT REJINA ako ang pangalawa sa aming magkakapatid.Bawat isa sa amin ay may mga obligasyong kailangang gampanan, araw araw namin itong ginagawa dahil halos lahat kaming magkakapatid ay takot kay Papa.Minsan kapag kami ay naaabutang mga nag aaway ay pinapalo niya kami ng situron pero kami ay gumawa nang paraan upang hindi namin maramdaman ang sakit ng palo niya.Naglalagay kami ng tsinelas sa aming puwitan kapag kami ay papaluin na kaya habang kami ay pinapalo kami ay tuwang tuwa pa.


Kasama ko si Mama
    Naaalala ko noong ako ay maliit pa lamang ang aking  masasayang  karanasan kasama ang aking mga magulang.Ang kuwento sa akin ng aking ina noong kami raw ay nagpunta sa isang peryahan ay ibinili daw niya ako ng laruan ngunit hindi niya namamalayang ako pala ay kumuha ng laruang hindi pa niya nababayaran.Noong ako ay bata pa, ako ay utal magsalita at talipa kung magsuot ng tsinelas at iyan ang dahilan kung bakit ako napapagalitan ng aking mga magulang at kung minsan, ako pinagtatawanan ng aking mga kalaro.Dumating din yung araw na kailangan kong magkulong sa aming buhay upang hindi ako mapagtawanan dahil sa ako ay kinalbo noon ng aking ama sa kadahilanang ako raw ay maraming sugat sa ulo.Minsan na rin akong nabansagan na isang "VOCALIST" kasi daw ako ay kalbo kaya ako ay niloloko.


Class picture noong elementary
 Ako ay nagsimulang pumasok sa paaralan noong ako ay pitong taong gulang.Ako ay pumasok ng elementarya sa PAARALAN NG CENTRAL sa LUNGSOD NG SAN PABLO.Bata pa lamang ako ay pursigido na akong makatapos ng pag-aaral dahil nais ko na agad makatulong sa aking mga magulang.Labis kong ikinasaya ang pagkakaroon ko ng medalya noong ako ay grade 4 dahil nagbunga ang aking paghihirap sa pag-aaral.Tumaas ang aking seksyon noon at kahit ako ay nagmula sa mababang seksyon ay nagawa kong lagpasan ang aking mga kamagaral.Naging isa ako sa pinakamahuhusay sa aming seksyon.Noon ding elementarya ako nagsimulang magtinda sa palengke.Natuto akong magtinda sa tulong ng aking mga magulang.Naging negosyante rin ako sa aking murang edad.Nagpautang  ako ng pera sa mga kakilala ko at nagkaroon ng munting sari-sari store sa aming bahay.Ako ay aliw na aliw sa pagtitinda kung kaya't pagkatapos ng aking klase ako ay pumupunta na agad ako  sa aming tindahan upang tumulong kina Mama.Noong elementarya din akong natutong mag impok ng pera at magtipid sa mga bagay bagay.

High School Class Picture
 
 Noong ako ay natapos ng elementarya ay pumasok ako ng hayskul sa COL. LAURO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL kung saan mas lalo pa akong natuto sa mga bagay bagay.Naniniwala ako na ang pagiging isang estudyante ng hayskul ang pinakamasaya.Laging mayroong kompetisyong nagaganap bawat taon mga gawaing pampaaralan na kapupulutan ng aral.Sa pagiging hayskul ka din matututong magsumikap pa lalo at matuto ng mga bagay na sa iyong palagay ay napakahirap.Sa pagiging hayskul ko ay nalinang ko ang aking sarili at natutong kumilos ng tama.Ang mga guro sa hayskul ay maaari mong maging kaibigan at maging kapamilya.Sila ang huhubog sa ating pagkatao at magbibigay ng kaalaman.


Legaspi , Albay  ang SAYA :)

 Sa tuwing sasapit ang bakasyon naman  ay umuuwi kami nina Mama sa Legaspi,Albay kung saan naroroon ang aming mga kamag anak.Makikita mo talaga ang kagandahan ng Pilipinas at talagang maipagmamalaki natin ang mga tanawing naandito lamang sa Pilipinas.Sa tuwing kami ay pupunta sa Bikol ay walang biyaheng hindi ako susuka at magpupumilit bumaba.Siyempre kapag nasa biyahe tayo ay makikita nati ang iba't ibang tao at lugar sa bawat daraanan.Isa sa pinakanagustuhan ko tuwing kami ay magpupunta sa Bikol ayang makita ang ipinagmamalaki ng mga bikolano na BULKANG MAYON talaga namang pagkaganda ng mga tanawin roon.Masaya lalo kami kapag kami ay magkakasamang magpipinsan.Doon lamang ako nakakapag aliw aliw dahil sa ganda ng tanawin at sa mga taong nakapaligid sa amin at siyempre kapag oras na nang uwian ay hindi ko maiwasang hindi maluha dahil sa sobrang kaligayahang aking nadama.Pagkatapos ng mahabang bakasyon ay bumalik na ulit sa dati ang aking pagaaral sa hayskul siyempre may JS PROM lahat ay galak na galak makiisa at ako ay isa sa mga iyon ang saya saya talaga noong makasama ako sa kasiyahang iyon.



Nanalo kami sa paligsahan. Suot namin ang 4ABLAZE  tshirt :)

 Ngayong taong ito ako makakapagtapos nang aking pagaaral bilang isang hayskul.Hinding hindi ko malilimutan ang mga nakasama ko sa aking pagaaral ang mga guro, mga kaklase ko na laging kasama sa mga kaguluhan at ang mga naging kaibigan ko na handang dumamay sa akin sa lahat ng kalungkutan.Ang mga kompetisyon sa paaralan na nakapagbigay sa amin ng determinasyon at pagkakaisa kung kaya’t nagbubunga ito ng tagumpay na talagang ipinagmamalaki naming magkakaklase.Hindi pa man ako nakakapagtapos nang aking pagaaral ay lubha ko nang kinasabikan ang pagtungtong ko  sa kolehiyo at pinangarap kong maging isang guro upang maibahagi ang aking mga natutunan sa buhay.Magsisilbing inspirasyon sa akin ang mga taong tumulong sa aking pagaaral.Lalung lalo na ang mga guro ko at ang aking mga magulang.Ipapakita ko sa kanila na ang taong noon nang dumanas nang hirap sa buhay ay makararanas din ng kaginhawaan sa tulong ng sarili at kung ating  pagsusumikapan.Ipinapangako ko sa aking sarili na hindi ako susuko hanggang sa makamit ko ang aking mga minimithi sa aking buhay.Magiging matagumpay at lalong magiging makulay ang buhay na aking tatahakin na aking maaalala sa lahat ng oras at magsisilbing inspirasyon para sa akin at sana ay makapagbigay din ng aral sa ibang kabataang katulad ko.SALAMAT.



DAISY MARJALINO ALCANTARA




WÅKÅS....