Friday, February 18, 2011

Talambuhay ni DAISY ALCANTARA

Ako ay bininyagan kasama ko si Mama at ang Ninong at Ninang ko

   Ang buhay ng tao ay sadyang masalimuot kadalasan ito ang nakapagbibigay sa atin ng tagumpay at kasawian.Dito sa bansang pilipinas ako lumaki.Natutong makisama sa ibang kapwa at makihalubilo sa iba't ibang tao.Masasabi ko na ang buhay ng isang pilipino ay mahirap ngunit sa kabila nito ay makadarama ka ng kaligayahang walang kapantay.Ang sabi ng iba ang buhay ay parang isang gulong minsan nasa ibabaw at kung minsan ay nasa ilalim at ito ay akin ding pinaniniwalaan.Marami ang nakapagpatunay ng katagang aking nabanggit at isa na rito ay ang mga tanyag na tao na mula sa hirap ng buhay at ngayon ay kilala na at nirerespeto dahil sa  .kanilang estado sa buhay.                                                                    
Ako kasama ko si Papa , Ate at Ricky Boy



 Ako ay si DAISY ALCANTARA.Ipinanganak noong ika-29 ng Agosto taong 1994 at ito ang araw ng una kong masilayan ang kagandahan ng ating mundo ako ay kasalukuyang nakatira sa lungsod ng San pablo.Ang aking mga magulang ay sina DELIA MARJALINO at RICKY ALCANTARA.Ako ay may mga kapatid at sila ay sina DIANA,RICKY AT REJINA ako ang pangalawa sa aming magkakapatid.Bawat isa sa amin ay may mga obligasyong kailangang gampanan, araw araw namin itong ginagawa dahil halos lahat kaming magkakapatid ay takot kay Papa.Minsan kapag kami ay naaabutang mga nag aaway ay pinapalo niya kami ng situron pero kami ay gumawa nang paraan upang hindi namin maramdaman ang sakit ng palo niya.Naglalagay kami ng tsinelas sa aming puwitan kapag kami ay papaluin na kaya habang kami ay pinapalo kami ay tuwang tuwa pa.


Kasama ko si Mama
    Naaalala ko noong ako ay maliit pa lamang ang aking  masasayang  karanasan kasama ang aking mga magulang.Ang kuwento sa akin ng aking ina noong kami raw ay nagpunta sa isang peryahan ay ibinili daw niya ako ng laruan ngunit hindi niya namamalayang ako pala ay kumuha ng laruang hindi pa niya nababayaran.Noong ako ay bata pa, ako ay utal magsalita at talipa kung magsuot ng tsinelas at iyan ang dahilan kung bakit ako napapagalitan ng aking mga magulang at kung minsan, ako pinagtatawanan ng aking mga kalaro.Dumating din yung araw na kailangan kong magkulong sa aming buhay upang hindi ako mapagtawanan dahil sa ako ay kinalbo noon ng aking ama sa kadahilanang ako raw ay maraming sugat sa ulo.Minsan na rin akong nabansagan na isang "VOCALIST" kasi daw ako ay kalbo kaya ako ay niloloko.


Class picture noong elementary
 Ako ay nagsimulang pumasok sa paaralan noong ako ay pitong taong gulang.Ako ay pumasok ng elementarya sa PAARALAN NG CENTRAL sa LUNGSOD NG SAN PABLO.Bata pa lamang ako ay pursigido na akong makatapos ng pag-aaral dahil nais ko na agad makatulong sa aking mga magulang.Labis kong ikinasaya ang pagkakaroon ko ng medalya noong ako ay grade 4 dahil nagbunga ang aking paghihirap sa pag-aaral.Tumaas ang aking seksyon noon at kahit ako ay nagmula sa mababang seksyon ay nagawa kong lagpasan ang aking mga kamagaral.Naging isa ako sa pinakamahuhusay sa aming seksyon.Noon ding elementarya ako nagsimulang magtinda sa palengke.Natuto akong magtinda sa tulong ng aking mga magulang.Naging negosyante rin ako sa aking murang edad.Nagpautang  ako ng pera sa mga kakilala ko at nagkaroon ng munting sari-sari store sa aming bahay.Ako ay aliw na aliw sa pagtitinda kung kaya't pagkatapos ng aking klase ako ay pumupunta na agad ako  sa aming tindahan upang tumulong kina Mama.Noong elementarya din akong natutong mag impok ng pera at magtipid sa mga bagay bagay.

High School Class Picture
 
 Noong ako ay natapos ng elementarya ay pumasok ako ng hayskul sa COL. LAURO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL kung saan mas lalo pa akong natuto sa mga bagay bagay.Naniniwala ako na ang pagiging isang estudyante ng hayskul ang pinakamasaya.Laging mayroong kompetisyong nagaganap bawat taon mga gawaing pampaaralan na kapupulutan ng aral.Sa pagiging hayskul ka din matututong magsumikap pa lalo at matuto ng mga bagay na sa iyong palagay ay napakahirap.Sa pagiging hayskul ko ay nalinang ko ang aking sarili at natutong kumilos ng tama.Ang mga guro sa hayskul ay maaari mong maging kaibigan at maging kapamilya.Sila ang huhubog sa ating pagkatao at magbibigay ng kaalaman.


Legaspi , Albay  ang SAYA :)

 Sa tuwing sasapit ang bakasyon naman  ay umuuwi kami nina Mama sa Legaspi,Albay kung saan naroroon ang aming mga kamag anak.Makikita mo talaga ang kagandahan ng Pilipinas at talagang maipagmamalaki natin ang mga tanawing naandito lamang sa Pilipinas.Sa tuwing kami ay pupunta sa Bikol ay walang biyaheng hindi ako susuka at magpupumilit bumaba.Siyempre kapag nasa biyahe tayo ay makikita nati ang iba't ibang tao at lugar sa bawat daraanan.Isa sa pinakanagustuhan ko tuwing kami ay magpupunta sa Bikol ayang makita ang ipinagmamalaki ng mga bikolano na BULKANG MAYON talaga namang pagkaganda ng mga tanawin roon.Masaya lalo kami kapag kami ay magkakasamang magpipinsan.Doon lamang ako nakakapag aliw aliw dahil sa ganda ng tanawin at sa mga taong nakapaligid sa amin at siyempre kapag oras na nang uwian ay hindi ko maiwasang hindi maluha dahil sa sobrang kaligayahang aking nadama.Pagkatapos ng mahabang bakasyon ay bumalik na ulit sa dati ang aking pagaaral sa hayskul siyempre may JS PROM lahat ay galak na galak makiisa at ako ay isa sa mga iyon ang saya saya talaga noong makasama ako sa kasiyahang iyon.



Nanalo kami sa paligsahan. Suot namin ang 4ABLAZE  tshirt :)

 Ngayong taong ito ako makakapagtapos nang aking pagaaral bilang isang hayskul.Hinding hindi ko malilimutan ang mga nakasama ko sa aking pagaaral ang mga guro, mga kaklase ko na laging kasama sa mga kaguluhan at ang mga naging kaibigan ko na handang dumamay sa akin sa lahat ng kalungkutan.Ang mga kompetisyon sa paaralan na nakapagbigay sa amin ng determinasyon at pagkakaisa kung kaya’t nagbubunga ito ng tagumpay na talagang ipinagmamalaki naming magkakaklase.Hindi pa man ako nakakapagtapos nang aking pagaaral ay lubha ko nang kinasabikan ang pagtungtong ko  sa kolehiyo at pinangarap kong maging isang guro upang maibahagi ang aking mga natutunan sa buhay.Magsisilbing inspirasyon sa akin ang mga taong tumulong sa aking pagaaral.Lalung lalo na ang mga guro ko at ang aking mga magulang.Ipapakita ko sa kanila na ang taong noon nang dumanas nang hirap sa buhay ay makararanas din ng kaginhawaan sa tulong ng sarili at kung ating  pagsusumikapan.Ipinapangako ko sa aking sarili na hindi ako susuko hanggang sa makamit ko ang aking mga minimithi sa aking buhay.Magiging matagumpay at lalong magiging makulay ang buhay na aking tatahakin na aking maaalala sa lahat ng oras at magsisilbing inspirasyon para sa akin at sana ay makapagbigay din ng aral sa ibang kabataang katulad ko.SALAMAT.



DAISY MARJALINO ALCANTARA




WÅKÅS....

No comments:

Post a Comment