Saturday, February 19, 2011

"Ang babaeng palaging masaya nakakikitaan ng pag-asa" (Michelle M. Linatoc)

Ika pito at apatnapu’t lima ng gabi ng ako’y  ipinanganak  sa City Hospital. Ika nga nila ang gabing ipinanganak  matapang sa dilim. Diyan kayo nagkakamali dahil isa ako sa duwag sa dilim. Pero ipinanganak na ang batang bibingi sa inyong mga tainga dahil sa kanyang kaingayan. Masayahain, maingay at mataray yan ang pangunahin kong ugali. Madali akong mapatawa lalo na sa mga kalokohan na aking nakikita. Pero….pero pag ako ay seryoso wag mo akong lolokohin at diyan mo matitikman ang taray ko. Magaling magpatawa at tumatawa nga ba? O halakhak na parang walang bukas. Madaling  patawarin at galitin ako sabi nga nila lagi daw akong highblood.
 Kakapanganak ko  palang.
Ako ng 2 buwan pa lang ako.
Ako nga po pala si Michelle Murphy Linatoc. Ipinanganak noong ika-pito ng oktubre sa San Ignacio S.P.C. Nang ipinanganak ako ay tumira kami kalapit ng bahay ng lola ko ,sakitin ako noon nagsimula  ito nong isa at kalahating buwan hanggang isa at kalahating taon palang ako kaya labas pasok ako sa ospital dahil sa bronchitis, diarrhea at marami pang iba. Pinabinyagan ako noong siyam na buwan ako saktong pista noon.Hulyo ng katapusan sa Aglipayan. Panganay akong anak nina Rhodora at Leonides. Noong kaarawan ko ng isang taon ay pinaghanda ako at dinaluhan naman ng aming mga kamag-anak. Mahina daw ang katawan ko dahil hindi ako masyadong kumakain ayaw ko din daw dumede sa bote. Kaya laking gatas ako ng ina ko. Habang lumalaki naman ako ay din na ako naging sakitin. Lumipat kami ng bahay  doon ko na kilala ang mga kalaro na pinsan ko rin pala. Ibinili ako noon ng bisikleta noong apat na taon na ako.
   Nakikipagkarera ako noon sa pinsan kong lalaki. Minsan pa nga ay pumupunta kami sa labasan para makipagbike ako sa isa ko pang pinsan. At ng mag-apat na kalahating taon na ako ay nagdaycare ako sa  OSWD na ngayon ay Library Hub na. Noong una ay ayokong magpaiwan pero nasanay na rin ako pinapaalis ko nga noon si Mame dahil ayokong makita niya ako. Tamad at tulugin daw ako noon kaya pagwalang pasok ay tinuturuan ako ni Dade at lagi daw akong paiyak dahil gusto ko ng maglaro. Kaya minsan ay naghanda na ng pamalo si Dade para mapilitan akong mag-aral. Mainitin din kasi ang ulo ni Dade kaya laging nababarino yun sa akin kapag mali-mali ang basa ko at liko-liko ang sulat ko. Ang palagi kong recess noon ay Piatos at Zesto, kundi naman ay yum-yum kaya naging paborito ko ito. Lagi akong napapagalitan pag-umaga dahil ayokong gumising. Napagkukurot nga ako pag pinapaliliguan dahil naiyak ako, dahil ayokong pumasok. Pero sa kabila ng katamaran ay nakapagtapos din ako. Nung Mayo ay meroon sa paaralan ng San Ignacio na summer para sa mga papasok na sa unang baitang. Noong unang pasok ko ay puro kanta ang ginagawa puro watermelon watermelon papaya at iba pa kaya din a ako pinapasok kaya natuwa ako noon di ko na kailangan pang gumising ng maaga. Dito na ako nagsimulang maglalaro ng maglalaro. Iba’t ibang laro paltok-bola, sipabola, luto-lutuan, bahay-bahayan at marami pang iba. Ito ang naging libangan ko habang di pa ako pumapasok. May mga araw na bawal akong maglaro dahil walang tao sa bahay. Pero talagang makulit ako pilit parin akong umalis para maglaro. Kaya’t ng makita ko na parating na si Dade bilis-bilis ako sa pag-uwi. Ngunit alam pala niya na umalis ako kaya ako ay napagalitan ng muntikan pang mapalo. Kaya noon din na ako umaalis ng bahay kumanta nalang at sumayaw ako sa amin. Kantang masakit at nakakatawa sa pandinig dahil wala na nga sa tono mali-mali pa ang bawat lyrics na aking kinakanta. At  pinilit sumayaw kahit ang tigas-tigas ng katawan. Di ba nakakatawa? Ako ang batang hindi pala gala kung saan-saan. Kaya palagi lang ako nasa amin. Nang nagpapaenrol ako sa unang baitang di ako tinanggap dahil kulang daw ako sa taon dahil anim at kalahati lang na gulang ako noon. Sabi sa akin ay mag kinder daw ako ulit din a ako pinapasok noon kasi uulit nanaman  daw ako. Ang isang taon ko ay ginugol ko nalang sa pag lalaro. Larong iba’t-iba na nakakapagod at nakakaamoy-araw.
Ako at ang kapatid ko na buhat-buhat ko.
Isang araw naglaro kami ng badminton at plastik yung ibabaw nung raketa at sa akin pa inabaot pa ng sira ang raketa. Takot na takot ako noon dahil mataray ang kanyang ina simula noon hindi ako lumalabas ng bahay di ko naman masabi kina Mame at Dade dahil papagalitan ako. Hindi ko alam na kinausap pala ng ina ng kalaro ko si Mame at pinapapaltan nalang ng manika yung raketa na aking nasira napagalitan tuloy ako ng kunti noon. Di kaya noon lumalabas na ulit ako at naglaro naman ng duyan-duyanan bilangan ng duyan hanggang sampu. Ang huling duyan ang pinakamalakas noong ako na ang duduyan ay naputol ang tali at ako’y nalaglag buti nalang di ako nabalian. Nang pwede na akong pumasok sa unang baitang ay mabait ang naging guro namin sa kanya talaga ako natuto magbasa. Napakagaling at mabait siya hindi kami natuto sa kanya dahil sinisigawan o minumura niya kami talagang mapagmahal siya sa kanyang mga estudyante naging masaya ako sa pag-aaral ko noon. Sana nga ay may sabit ako na ikatlong karangalan pero lagi akong liban kaya wala akong sabit nagbakasyon ako sa lola ko doon marami akong nakalaro na halos napakadungis ko na parang batang lansangan. Pinapagalitan ako ng tita ko ang laki-laki ko na daw di ko daw kayang linisan ang sarili ko. Meron ang lola kong tindahan noon kaya kumuha ako ng “Milo” nagtago ako sa likod ng bahay at duon ko kinain. Tanghalian na noon kaya tinawag ako ng tita ninang ko para kumain. Dali-dali naman ako pumunta at nakita niya ang nagkalat na “Milo” sa mukha at damit ko sabi niya “kumain ka ng Milo ano? ”.  Napangisi lang ako noon. At sabi ng lola ko ikaw talaga kababeng tao ay napaka kulit at tinawanan nila ako noon. Nang nasa ikalawa na akong baitang nag karron na ako ng matalik na kaibigan tatlom kami noon puro babae. Kaya tuwing tanghali at mag kakasabay kaming kumain ng tanghalian. Dahil umuuwi ang isa sa amin sumasama nalang kami para sabay-sabay parin kami. Malapit sila sa poultry at ang tatay niya ang namamahala duon kaya lagi ang ulam naming ay “fried chicken”. At pagkatapos namin ay namimitas kami ng dalanghita. Kaya pagbalik naming sa paaralan ay naghihingian ang mga kaklase namin. Lagi kaming magkakasama sa paaralan noong nagkaroon nga ng “Intrams” naging lider kaming tatlo ng sayaw. At nang niyaya kami n g isa kong kaibigan sa kanila dahil kaarawan ng kanyang kapatid ay sumama kami. Ang daming handa at pinag-uwi pa nga kami noon ng spaghetti at yun yung una akong ginabi ng pag-uuwi at hinahanap nap ala ako nun. Buti nalang di ako napagalitan. Pero panandalian lang pala ang kasiyahan naming dahil lumipat ng ibang paaralan ang isa sa amin pero nangako kami na magkikita parin kami. Nagsimula kami ng mag kalayo ng loob ng isa ko pang kaibigan dahil nagkaroon na siya ng kanyang bagong kaibigan nawalan na kami komunikasyon sa isa’t-isa. Nagkaroon ako ng bagong kaibigan at naging malapit kami sa mga lalaki. Kapag pista sa Sto. Nino mag kakasama kami pumunta sa bahay-bahay nila napakasaya noon kahit dalawa lang kaming babae at puro lalaki ang kasama namin. Nang makapagtapos ako ng elementarya ay makakamit ako ng karangalan.
Ako ng gumaraduate ng kinder.
 At napagpasiyahan na nasa Dizon High ako pumasok. Dito na nagsimula  ang tawag na “ate mich” kahit mas matanda sila sa akin ng buwan okay lang basta masaya kami nagkakaintindihan. Mababaet naman ang mga kaklase ko. Mababet nga ba? O makulit lang na parang mga bata? Noong nasa unang taon palang ako ng high school nagkaroon nanaman ako ng bagong kaibigan mabaet at matalino kaso ngalang maarte sobrang arte pala. Madami kaming pinagsamahan kasiyahan at kaguluhan. Napakagaslaw kasi namin kaya madaming nagagalit sa amin magaling din kaming mang-asar. Pero kahit na ganun naging masaya ako. Mahirap ang mga ginagawa naming noon pero nakakapag-saya parin kami kahit ganun. Lahat ng galaan na pwede naming puntahan pinupuntahan namin para naman makapagsaya naman kami. Wala kaming panahon na sinasayang lagi nalang kaming mag kasama. Noong dalawa lang kami pero naging apat kami at nabuo kami bilang “Dabarkadz”. Bidang-bida kami sa room namin. At may nangyaring malaking gulo napaaway kami sa kaklase ko na hindi ko maintindihan basta nalang siya nagalit ng walang kaming kamalay-malay. At nung nasa ika-dalaw na kami ng high school ay patuloy parin ang mga kalokohan namin. Pero sa kabila noon araw-araw kaming nasimba lalo pag malapit na ang test todo dasal kami noon. Noong nagpapraktis kami ng Florante at Laura ay gusto na naming umuwi at nang nagkaroon kami ng pagkakataon para makatakas ay umuwi na kami. Pagpasok naman naming kinabukasan ay galit nag alit sa amin ang mga kaklase namin at pinaparinggan kami ng walang pakisama at ayaw din daw nilang magpraktis pede naman daw umuwi nalang katulad namin. Ngunit di nila alam na di naman kaagad kami umuwi naghanap kami ng costume para sa susuotin namin. Pero di sila naniwala kaya di nalang naming sila pinansin. Nagkaroon kami noon ng christmas party madami-dami rin kaming handa noon dahil nag ipon kami ng piso araw-araw. Dahil mabait an gaming guro nagkaroon kami ng raffle na limang isang daang piso at sinuwerte ako noon at ako ay nabunot. Matagal bago ko ginastos yun dahil gusto ko sanang itago para alaala yun sa akin ng aming guro. Nang mag bakasyon kami dahil mag papasko ay ako ay na ospital ng makapasok palang ako ng dalawng araw dahil may “Typhoid fever” at “Dengue” na stage one palang. Doon na ako nag pista ng bayan na pinalano pa na namin manood kami ng mardigras. Pero nung araw ng mardigras ay dinalaw nila ako. Noong mga panahon na iyonay may mga dumating na koreano at keoreana. Buti nalang ay naabutan ko sila kahit dalawng araw nalang madami kaming ginawa noon natinuro nila sa amin. Noong nasa-ikatlo na ako ng high school ay nagkaroon ako ng bagong kaibigan at nakilala ang grupo namin na “Blue Phanters” apat kaming babae noon ako, si reginae, Claire at cielo . masaya kami noon magkakasama kaming ng bumuo ng pangarap. Kung anu ang gusto namin at kung anung bansa ang gusto naming puntahan. Sa recess lagi kaming magkakasama pare-parehas ang kinakain namin. Madalas pa nga pinagong nabagong luto ang binibili namin sa “Golden Wheat” at palamig an gaming pantulak. Kami ang mag kakaibigang praktikal gustong kumain ng mga pagkaing nakakabusog at magaan pa sa bulsa. Marami din ang panahon na halos ayaw nalang ang lagi naming kinasasangkutan dahil daw sa amin.
Ako ng malaki na ako ngayong kasalukuyan.
 Ngayong nasa-ikaapat na ako ng high school naging masaya ako mahirap man ang mga ginagawa naming dahil graduating kami. Nasa huling taon na nga kami ng high school ay parang mga isip bata pa rin kami. Dahil puro biro at asaran ang mga ginagawa. Minsan maging seryoso daw naman kami  kaya nga kami napapagalitan ng mga titser namin.



Mabait ang guro naming isa siyang taong maunawain at mapagpahalaga kahit sa pinakamaliit  na bagay minsan-minsan lang kami napapagalitan dahil sobrang na ang aming kaingayan. Pero kahit naman kami maiingay may malasakit naman kami sa isa’t-isa. Hindi man kami nagkakaisa pag may laban dahil puro kami pasaway ay marami parin kaming napapalanunan. Katulad ng nag simula ang “Cheerdance Competition” kahit nagkakagulo kami sa pag papraktis dahil ang marami sa amin ay gusto laging pauwi ay nanalo parin kami nakamit naming ang unang karangalan at halos sa lahat ng palaro napangbabae ay nanalo kami dahil sa cooperation. Marami pa kaming pinalunan. At nagkaroon ng kami ng “Js Prom” naging masaya ako noon ng masaya at ngayon hinihintay nalang naming an gaming pagtatapos. Sa pag lisan ko sa paaralang Dizon high ay ako’y taos noon na sabihin na ako’o “Dizonian”. Aalis ako ng paaralan at itutuloy ang aking pangarap na may matamis na ngiti sa aking mga labi.                   

No comments:

Post a Comment