Sunday, February 20, 2011

Jerlyn Fernandez( Ang Simpleng Babae na Puno ng Pangarap)


Ako noong bininyagan



Ilang buwan pa lamang makaraan ang setyembre 5,1994 ng aking kapanganakan, bininyagan ako sa simbahang katoliko ng san Pablo city, Laguna kung saan ako isinilang at lumaki. Nakakatuwang isipin na habang kaarawan ng aking ina ako ay kanyang isinilang sa ganap na ika-3 ng hapon. Isa akong malusog na bata. Isang napakasayang araw para sa akin ina sapagkat nagging doble ang selebrasyon, magkatulad kami ng kapanganakan ng aking ina.

Nagmula ako sa angkan ng mga Pilipino. Pinangalanan akong Jerlyn kung saan ang unang letra ng aking pangalan ay kinuha sa unang letra ng pangalan ng aking ama n Juanito samantalang ang ‘erlyn ay kinuha sa pangalan ng aking inang si Erlinda. Natutuwa ako sa pangalang binigay nila sa akin dahil taglay ko ang kanilina pinagsamang pangalan at taglay ko ang kanilang mga katangian ng aking ipinagmamalaki bilang kanilang anak. Ikilawa ako sa apat na magkakapatid, isa ang lalaki. Panganay si ate Jonalyn, pangatlo si Ferlyn at bonso si John Lloyd

Nang ako ay sanggol pa lamang nakatira kami sa Empaulino Street dito din sa San Pablo at nandoon ang trabaho ng aking ama ang pagmemekaniko. Ang talyer na iyon ay pamana ng aking lola sa aking ama. Ngunit habang tumatagal ay nagkakaroon kami ng magkakapatid na sakit na asthma, marahil na rin nakaharap ang aming tirahan sa kalsada dala narin ng mga usok at amoy ng mga kemikal kaya lumipat kami sa Calihan upang doon manirahan at doon ako nagkaisip, napansin ng aking magulang  ang aking hilig sa pagkanta na ngayon ay aking nagging libangan sa tuwing ako ay nag-iisa at nalulungkot. Pansin din nila ang hilig ko sa pagsusulat. Napansin din nila ang aking hilig sa pagbabasa ng libro na ngayon ay aking pangunahing libangan sa araw-araw .


Ako ng isang taong gulang
Ako noong Kinder
Apat na taong gulang ako nang pumasok ako bilang kinder sa San Gregorio Day Care Center . Aking masasabing hindi nagging masyadong Masaya ang aking nagging karanasan noong ako ay musmos pa lamang. Oo, nakkipaglaro ako sa mga bata ng ibat ibang laro, nagiging Masaya naman ako na natural lamang sa mga bata. Ngunit kadalasan ay nasa bahay lamang ako. Isa akong tahimhk na bata noon. Sa tuwing gabi ay palagi kong hinihintay ang pagdating ng aking papa mula sa trabaho dahil alam kong may dala siyang pasalubong para sa aming magkakapatid. Madalas din kaming lumabas kasama ang bung pamilya na ngadudulot ng kasiyahan sa akin dahil makakalabas na ulit ako na minsan ko lang magawa noong ako ay bata pa. Nagkaroon ako ng karanasan na kailanman ay hindi ko malilimutan, nagdulot ito sa akin ng pagkatakot at pangingilag. Magpiptong taong gulang na ako nang kami ay lumipat ditto sa Schetelig Avenue San Pablo City. Ditto ako nag-aral ng elementary sa Mababang Paaralan ng Dapdapan. Nakatagpo ako ng tunay na mga kaibigan at kalaro sa bago naming tinitirahan ang bahay ng aking lola. Dito nagging makulay at Masaya ang aking buhay. Palagi kaming naglalaro na mga kaibigan kong puro babae kasama namin ang aking mga kpatid. Madalas naming nilalaro ang piko, Chinese garter, langit lupa, beng-sak at kung anu-ano pa. ngunit  pagdating ng hapon ay nadarama na namin ang takot dahil alan naming papagalitan ng kanya kanya naming magulang dahil sa aming mga itsura- madungis at amoy pawi pero Masaya oarin dahil nakapaglaro kami at may bago na naman kaming pagkukuwentuhan kinabukasan. Hindi ako nakikipaglaro sa mga batang taga looban dahil madalas nila akong awayin. Naaalala ko pa noon, inaway ako ng isang bakla na halos kasing edad ko. Umiyak lamang ako noon dahil hindi ako lumalaban. Pinalaki kasi ako ng aking mga magulang na hindi palaaway o mapaghiganti na hanggana ngayon ay dala dala ko ang ugaling iyon. Habang lumilipas ang paqnahon nraramdaman ko na ang pagbabagong nagaganapsa aking sarili. Iba na ang aking hilig, hindi n iyong mga larong pambata ang hilig kong laruin. Hindi narin ako madalas makipaglaro sa mga kaibigan ko. Marahil nagsisimula na akong magdalaga. Taoong 2006 ay nagtapos ako ng elementary. Isang napakasayang araw dahil sa wakas ay natapos ko na rin ang anim na taong pag-aaral.



Ako at ang mga SK
JS 2010
cowgirl
Taong 26 ay pumasok ako sa mataas na paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Pagtungtong ko sa paaralang ito. Magkahalong takot at saya ang aking nararamdaman. Nagtatanong ako sa aking sarili kung matatalino at mababait ba ang mga guro ditto. Makakasundo ko ba ang aking magigina mga kaklse, magkakaroon ba ako ditto ng maraming kaibigan. Habang tumatagal ay nalilibang ako habag nag-aaral sa eskwlahang ito. Mababait at matatalino ang mga goro at nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Ditto ko rin natagpuan ang aking matalik na kaibigan na si Alona na hanggang ngayon ay patuloy parin ang amig pagkakaibigan. Marami na akong karanasang hindi malilimutan, Masaya man o malungkot. Marami kiming napagtagumpayan ng aming seksyon. Unang taon ko pa lamang sa hayskul ay napabilabg na ako sa seksyon A na hanggang nayon ay doon pari ako nabibilang. Habang tumatagal ana panahon. May natutuklasan ako sa aking sarili- ang pagkakaroon ng “crush”. Nagsimula ako noong ako ay nasa ikalawang antas sa hayskul. May isang estudyante na madalas kong patuunan ng pansin habang hindi ako abala sa aking pag-aaral. Nagging magkaibigan kami. Palagi akong masaya tuwing nakikita ko siya. Marami rin akong nakakakilig at nakakatuwang karanasan dahil sa kanya. Ngunit hindi rin ito nagtagal dahil magtatapos na siya noon sa hayskul  dahil ditto hindi na kamim magkikita. Nagging malungkoyt ako noon lalo na nang mawala ang aming komunikasyon at naramdaman kong  nagbago na siya at nag-iba na ang pakikitunga niya sa akin. Nasaktan ako dahil dito. Nagpasya akong kalimutan na lamang siya at ituon ang akin pansin sa aking pag-aaral. Ang taon na ito  sa hayskul ng aking buhay ang hindi ko makakalimutan dahil dito ko naramdaman ang pag tibok ng aking puso sa unang pagkakataon. Noong ako ay nasa ikatlong antas ng hayskul. Ramdam ko ang mabilis na pagbabago sa aking sarili. Kung  dati ay tahimik lamang ako at mahiyain ngunit ngayon ay hindi na, natuto na akong makipagkwentuhan at makipag-ingay sa aking mga kaklase at kaibigan. Kung noon ay tahimik lamang ako habang inaaway, hindi na rin ngayon, dahil natuto na akong ipaglaban ang aking sarili kapag alam kong ako ay nasa katuwiran ngunit kahit kailan ay hindi naging marahas ang aking pamamaraan. Naging masayahin ako at palabiro, makkulit minsan at hanggang ngayon ay wala pa akong nkakaaway dahil hindi rin ako pinalaki ng aking mga magulang na palaaway at bargas. Kasalukuyan akong nasa ikaapat na antas ng hayskul. Dito ko naramdaman ang ganap na pagbabago. Mas marami akong naging kaibigan dahil na rin siguro naging palakaibigan na ako. Napakamemorable ng taong ito sa akin dahil dito ako unang pumasok sa pulitika sa murang edad. Lumaban ako bilang SK Councilor. Noong una ay ayaw ko dahil iniisip ko na baka mapabayaan ko ang aking pag-aaral. Ngunit nagkamali ako dahil mas masaya pala kapag alam mong makakatulong ka. Hindi naging masaya ang pagtakbo ko dahil marami ang humahadlang, may nagtatampo dahil hindi ako sa kanilang partido kumampi. Muntik pang magkaglulo dahil lamang sa aking boto na alam nilang makakapagpanalo sa kanila. Gumawa pa sila ng panlilinlang upang ako ay makuha ngunit hindi sila nagtagumpay dahil ako ay may sariling paninindigan. Nadagdagan ang aking mga karanasan. Hindi man ako napabilang sa SK Councilor dahil ngagkapantay pantay ang boto ng walong nanunguna sa posisyong iyo at kasama ako doon kaya kinailangang magtanggal ng isa at sa kasamaang palad ay ako ang natanggal. Noong una ay nalungkot ako dahil baka hindi ko na muli makasama ang aking mga naggng kaibigan. Ngunit mali ako, binigyan nila ako ng katungkulan bilang SK Secretary-treasurer. Nagging mas malapit pa ako sa kanila dahil pinagbubuklod kami ng mga proyekto na kailangan naming gawin at madalas din kaming lumabas upang mabonding. Sa ngayon ay abalang-abala ako sa aking pag-aaral at pinaghahandaan ko ang aking nalalapit na pagtatapos sa April. Kahit mahirap ang pinagdadaanan ko ngayon dahil sabay sabay ang mga Gawain sa paaralan at kasabay pa nito ang kakapusan naming ngayon sa pera ngunit sa kabila nito ay hindi ako sumusuko dahil alam kong kayak o itong lagpasan sa tulong ng Panginoon. Isa na naman itong pagtatapos ng isa pang kabanata ng aking buhay at magsismula na ulit ang panibago. Patulo akong nag-aaral ng mabuti upang matupad ko ang aking mga pangarap at ang pangarap kong maging isang guro. Ginagawa ko ito hindi lamang para sa aking sarli kundi para sa aking pamilya at magulang na sa simula pa lamang nang ako ay ipanganak ay naghirap na sa  pagpapalaki sa akin at lahat ng kanilang ginawa ay hindi ko kailanman matutumbasan. Nagpapasalamat ako dahil paniaalaki ako na mayo ng aking mga magulang. Punong puno ng pag-aaruga at  pagmamahal ang aking buhay dahil sa kanila. Nagpapasalamat din ako sa mga pagbabagong naganap sa akin dahil doto natoto akong lumaban sa buhay at nagbibigay ito ng lakas ng loob sa akin upang makamit ang lahat ng aking mga pangarap.

No comments:

Post a Comment